24

By

‘Toxic’ Oxford Word of the Year ngayong 2018

Isang salita na matagal nang naimbento, biglang umakyat ang paggamit o usage sa salitang toxic, sapat para hiranging Word of the Year base sa Oxford Dictionaries.

Saad ng Oxford, sumampa ng 45-porsyento ang usage para sa terminong ‘toxic’ sa kabuuan ng taong 2018.

“It is the sheer scope of its application, as found by our research, that made toxic the stand-out choice,” saad ng Oxford Dictionaries.

Ang kahulugan ng toxic ayon sa Oxford ay ‘relating to or caused by poison’ o ‘very bad, unpleasant, or harmful’.

Sa Pilipinas, nagagamit ang term na ‘toxic’ para sa mga tao o pangyayari na nakasasama sa araw o hindi maayang tingnan o maranasan.

May nauso ring ‘toxic relationship’, ibig sabihin ay ang delikadong relasyon sa isang tao o posibleng magpabagal o magpababa ng growth ng isang indibiduwal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?