karl-anthony-towns
By

Towns nalagasan ng ngipin, may 37 points sa panalo ng Wolves vs Wiz

Sharing is caring!

Bagama’t natanggalan ng ngipin matapos masiko sa panga, umiskor naman si Karl-Anthony Towns ng 37 points sa panalo ng Minnesota Timberwolves kontra Washington Wizards 116-11.

“Good thing I got good medical insurance,” biro ni Towns matapos ang panalo. Humablot din ito ng 10 rebounds.

Patuloy ang kampanya ng Wolves at Wizards sa playoffs na wala ang kani-kanilang All-Star guards.

Hindi pa rin naglalaro sa Timberwolves si Jimmy Butler na sumailalim sa right knee surgery noong Pebrero 25 habang ang Wizards naman ay wala si John Wall na inoperahan sa kaliwang tuhod noong Enero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?