8

Jan 16, 2021 @ 11:18
By

Towns nagpositbo sa COVID-19

Sapul si Minnesota Timberwolves star Karl-Anthony Towns ng COVID-19.

Inanunsyo ito ng 25-anyos NBA star sa kanyang Twitter account.

“I pray every day that this nightmare of a virus will subside and I beg everyone to continue to take it seriously by taking all of the necessary precautions,” aniya.

“We cannot stop the spread of this virus alone, it must be a group effort by all of us. It breaks my heart that my family, and particularly my father and sister continue to suffer from the anxiety that comes along with this diagnosis as we know all too well what the end result could be,” dagdag pa niya.

Kamakailan lamang nang mamatayan si Towns ng pitong miyembro ng pamilya ng dahil sa COVID-19.

Ayon kay Gersson Rosas, Timberwolves president of basketball operations, masakit para sa kanya na tinamaan ng COVID-19 si Towns dahil marami na itong pinagdaanan.

“It hurt. Karl is the most important part of this organization. For what he’s gone through and Karl Sr. has gone through, it’s heartbreaking,” sambit niya sa isang pahayag.

Kamakailan lamang nang ipagpaliban ng NBA ang ilang laro nila dahil sa mga isyu hinggil sa contact tracing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?