193
views

By

Towing employee na nagtangkang manghatak ng trak itinumba

Sharing is caring!

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kawani ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa bahagi ng Manila International Container Port sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.

Batay sa inisyal na impormasyon na nakarating sa tanggapan ni Manila Police District Spokesman, Lt. Colonel Erwin Margarejo, nangyari ang insidente pasado alas-10:15 ng umaga ngayong Miyerkules kung saan binaril ng hindi pa nakikilalang salarin si Ruben Pangindian, 42-anyos, kawani ng Towing Services ng MTPB.

Nasa lugar ang biktima kasama ang iba pang katrabaho at nakikipag-usap sa isang babae nang bigla na lang itong nilapitan ng lalaking salarin saka pinagbabaril.

Ayon sa imbestigasyon, nagtungo ang grupo ni Pangindian sa lugar para i-tow o hatakin ang isang Fuso Truck na may plakang UMZ-493 dahil sa iligal itong nakaparada sa lugar.

Habang kinakausap umano ng biktima ang isang babae ay doon na siya pinagbabaril ng salarin.

Isang tama ng bala sa likod ng kanyang ulo ang agarang ikinamatay ng biktima. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?