77

Dec 13, 2017 @ 16:54
By

Tourist arrivals sa PH, tumaas ng 11% – DOT

Nakapagtala ang Department of Tourism ng 5,474,310 foreign tourist arrivals sa loob ng 10 buwan ngayon taon.

Mas mataas ito sa 4,908,017 o 11.54% na naitala ng kagawaran sa kaparehong panahon noong isang taon.

Ayon kay Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo, South Koreans parin ang country’s top visitors na mayroong 1,332,141 arrivals o 24.33 percent ng kabuuang tourist arrivals na sinundan naman ng China na mayroong 810,807 arrivals o 14.81 percent.

Pumangatlo ang Amerika 785,269 (14.34 percent) Japan 490,857 (8.97 percent) at Australia 206,443 (3.77 percent).

Pagdating naman sa revenue, dahil sa pagtaas ng tourist arrivals umabot sa P243.23 billion o 36.28 percent ang kita ng bansa mula sa P178 bilyon na kita noong isang taon sa kaparehong panahon.

Kasunod nito puspusan ang ginagawang kampanya ng DOT para maabot ang kanilang target na 6.5 milyong tourist arrivals hanggang 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?