6

Oct 1, 2020 @ 21:10
By

Tourism establishment puwede nang magpa-accredit online

Maaari nang mag-apply ng accreditation online ang mga tourism establishment.

Kasunod ito ng paglulunsad ng Department of Tourism noong Martes ng kanilang digital accreditation system.

Maaaring mag-request ng accreditation, contactless transaction at hazard-free government service sa accreditation.tourism.gov.ph.

Kabilang sa mga establiyimento ang travel and tour agency, tourist transport operator, tourism frontliner, health and wellness service at iba pang negosyong may kaugnayan sa tourism gaya ng restaurant.

“This system fulfills President Duterte’s call for the streamlining and automation of services in the Ease of Doing Business Act signed in 2018 and the Bayanihan to Heal As One Act, which directs government offices to expedite delivery of services in view of Covid-19,” pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa virtual launch.

“Through the new system, we hope to ease the burden of local businesses, including the MSMEs (micro, small and medium enterprises) who collectively form the backbone of the tourism industry,” dagdag niya.

As of Sept. 15, kabuuan nang 10,042 tourism enterprise ang nabigyan ng akreditasyon nationwide, ayon pa sa DOT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?