27
puyat4
By

Tourism dream team, buo na – Romulo-Puyat

Sharing is caring!

Pinanumpa na ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat si Arturo Boncato Jr., bilang kanyang undersecretary for Administration and Special Concens.

Sa pagkakatalaga ni Boncato sa Department of Tourism ay sinasabing nabuo na ni Puyat ang kanyang ‘dream team.’

Una na niyang pinili sina Usecs. Alma Rita Jimenez at Benito Bengzon Jr., na kapwa naglingkod din sa nagbitiw na si Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo.

Ipinalit si Boncato kay Usec. Pompee La Viiña na inilipat sa Department of Agriculture, kung saan nanggaling si Puyat.

Unang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Boncato Jr,, sa Department of Trade and Industry.

Nagsilbi din itong regional director ng Department of Tourism bago naging assistant secretary sa nasabi rin kagawaran sa ilalim ng administrasyong-Noynoy Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?