120

Tour ni Park Bogum suspendido, asawa ni Anne Curtis natuwa

Masosolo pa ni Erwan Heussaff ang kanyang asawang kilalang obsessed sa Korean culture.

Ibinalita ni Anne Curtis-Heussaff na hindi muna matutuloy ang nakatakda sanang pagpunta ni Bogum, isang sikat na South Korean actor na bumida sa Reply 1988, nito sanang Sabado.

Iniurong ito sa Hunyo para masiguro ang kaligtasan ng artist dahil sa sunod-sunod na paglindol sa bansa.

Ipinakita naman ni Erwan ang pagmamahal sa misis na natuwa sa nasuspindeng fanmeet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?