19

By

Tots, Motolite inararo ang Chef’s

Umahon sa nakaraang pagkatalo ang Motolite nang ang winless pa ring Chef’s Classic, 19-25, 23-25, 22-25, sa second game ng 3rd PVL Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre Miyerkoles ng gabi.

Pinangunahan ni Tots Carlos ang Power Builders sa kanyang game-high 26 points kasama ang 23 kills para ibalik ang koponan sa win column hawak ang 7-3 panalo-talo kartada.

Inasahan rin ni coach Godfrey Okumu si Jessma Ramos na gumawa ng 11 points kasama ang 4 blocks upang panatilihing kulelat ang Lady Red Spikers sa liga na wala ang panalo sa 12 laro.

Hihirit pa sana ng isang set ang Chef’s nang kumuha ng malaking kalamangan sa 3rd set, 7-12, ngunit kinayod naman ito ng mga Power Builders.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?