1,219

Oct 13, 2021 @ 18:37
By

Totoong public servant kinakalimutan ang sarili – Vice Ganda

Para kay Vice Ganda, ang totoong public servant ay kinakalimutan ang sarili, inuuna ang kapakanan ng iba at hindi yumaman habang nakaupo.

Sinabi ito ni Vice sa “Reina ng Tahanan” segment ng “It’s Showtime” kahapon.

Kabilang sa naging contestant nila ay isang health worker.

Nagbigay-pugay si Vice sa contestant na si Yolanda Magat dahil sa kabila na maliit lang ang kita ay patuloy sa pagtulong sa kapwa.

“You are the true public servant, because a true public servant is selfless. Serbisyo publiko. Kinakalimutan niya ang sarili niya, dahil iyong pinagseserbisyuhan niya muna bago siya. Iyon ‘yung totoong public servant,” saad ng comedian.

“’Yung mga totoong public servants, hindi sila yumayaman at hindi sila nagpapayaman. ‘Yung mga yumaman habang nakaupo, hindi sila totoong public servants. Ginamit lang nila ang posiyon para mabigyan nila ng sariling pag-angat ang kanilang mga pamilya. At nagpagamit din tayo sa mga ‘yan,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?