417
Totoong dahilan ng paglipat niya sa Kapuso, isiniwalat ni Kiray
May 30, 2019 @ 21:07
By

Totoong dahilan ng paglipat niya sa Kapuso, isiniwalat ni Kiray

Ikinuwento ni Kiray Celis sa programang “Tunay Na Buhay” ang rason kaya niya nilayasan ang Kapamilya Network at nagdesisyon na lumipat sa Kapuso.

Pabiro pang sumagot si Kiray nang tanungin ni host Rhea Santos kung bakit niya piniling maging Kapuso.

“Kasi po maraming pera dito,” tsika ni Kiray. Pero pahabol niya, “Hindi, loko lang.”

Paliwanag ni Kiray, pakiramdam umano kasi niya na mas marami pang tsansa na maibibigay sa kanya ang Kapuso.

“Feeling ko mas marami pa akong time or mas marami pa akong chance na maibibigay sa akin dito, pag nandito ako,” ani Kiray.

Masaya naman aniya ang ina ni Kiray sa mainit na pagtanggap sa kanila ng Kapuso.

Sa kasalukuyan ay napapanood ang komedyana sa primetime series na “Love You Too” kasama sina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?