120

Oct 17, 2017 @ 17:50

TOTGA ni Empoy ibinuyangyang sa libro

ANG layo na talaga ng narating ni Empoy, oh! Ang mga dramatic, matinee idol, ‘yung mga guwapung-guwapo talaga, hindi naranasan ang nararanasan niya ngayon.

Anyway, wala ngang pahinga sa paggawa ng pelikula si Empoy, at kasabay nito ay ang pagsulat niya ng ilan sa kanyang mga karanasan at kuwento na pinagsama-sama niya sa kanyang unang libro, ang ‘Bakit Nakakakiliti Ang Bigote?’.

“Dito n’yo makikita kung sino talaga ako. At umaasa akong mapapangiti kayo. Kuwento at knowledge for your brains ang ambag ko,” say ni Empoy.

Ibinahagi niya ang ilan sa mga detalye sa kanyang personal na buhay. Kasama rito ang kanyang araw-araw na ritwal, kwento tungkol sa mga kaibigan, pagbanggit sa kanyang ‘totga’ o the one that got away, at iba pang kuwento mula sa kanyang kabataan.

Kasama rin sa libro ang ilan sa mga Words for the Day ni Empoy tulad ng paborito niyang linya — ang ‘once in a blue moon’.

“Dati nu’ng bata ako, once in a blue moon lang akong maligo,” masayang tsika niya.

Mababasa rin dito ang ilan sa kanyang mga inuman at taxi ligtas tips, komiks, graphs at connections at iba pa. Sinagot din niya ang mga kuwelang tanong at nagbigay ng mga praktikal at sadyang nakakatuwang mga payo.

Bahagi rin ng libro ang Empotify section o ang kanyang suggested playlist ng mga awitin tulad ng Estudyante Blues ni Freddie Aguilar.

Kabilang na si Empoy sa mga kilalang authors ng ABS-CBN Publishing tulad nina Alex Calleja, K Brosas, Alex Gonzaga, at Vice Ganda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?