By

Totga finale kaabang-abang

Sharing is caring!

All smiles ang fans ng The One That Got Away na nakakausap namin lately. Dahil ito sa mga nakakatuwang episodes na napapanood nila sa GMA Primetime series.

May isa kaming nabasang comment sa post ng isa sa mga bida ng show na sinasabing kahit may challenges na dumadating sa buhay nina Zoe, na ginagampanan ni Rhian Ramos, at Gael, na binibigyang-buhay naman ni Jason Abalos, okay pa rin daw sila dahil alam nilang malalampasan nila ito.

Ano pa’t nandyan ang friends niyang sina Darcy (Max Collins), Alex (Lovi Poe), Inigo (Ivan Dorschner) at Liam (Dennis Trillo). Idagdag mo pa si Gab (Renz Fernandez) na ubod ng kulit.

Kaya naman kahit sad sa nalalapit na ending nito, inaabangan pa rin ang huling tatlong linggo ng The One That Got Away dahil siguradong siksik, liglig at umaapaw sa kilig ang handog sa inyo ng BFFs na sina Alex, Darcy at Zoe.

Ano kayang pakulo ang inihanda nila ngayong stuck in an island ang peg nila? Bakit kaya sila nandoon? Nako, tutukan lang yan sa GMA Telebabad gabi-gabi!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?