92

Jul 25, 2018 @ 17:37
By

Total lunar eclipse masasaksihan sa Sabado – PAGASA

Sa loob ng anim na oras at 14 minuto ay masasaksihan sa Pilipinas ang total lunar eclipse sa Hulyo 28, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, ang lunar eclipse ay magsisimula ng ala-1:13 ng madaling-araw ng Hulyo 28 hanggang alas-7:30 ng umaga.

Ang lunar eclipse ay isang phenomenon kung saan natatakpan ng anino ng ating mundo ang liwanag ng buwan dahil sa bibihirang posisyon ng mga ito.

“The lunar eclipse is expected to develops as follows: Penumbral eclipse begins: 1:13 a.m. Partial eclipse begins: 2:24 a.m. Greatest eclipse: 4:21 a.m. Partial eclipse ends: 6:19 a.m. (no longer observable) and Penumbral eclipse ends: 7:30 a.m. (no longer observable),” ayon sa PAGASA.

Pinapayuhan ng PAGASA ang observers na gumamit ng binoculars upang lalong makita ang eclipse, hindi naman na umano kailangan ng paggamit ng anupamang mga protective filter dahil ligtas naman ang panonood ng lunar eclipse.

Maliban sa Pilipinas ay masasaksihan din ang eclipse sa Antartica, Australia, Asia, Russia, Africa, Europe at east ng South America.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?