8

May 3, 2021 @ 19:05
By

Total lunar eclipse magaganap sa May 26

Masisilayan ang total lunar eclipse o “blood moon” sa Mayo 26.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, nangyayari ang total lunar eclipse kapag ang buwan ay lumipat sa anino ng Earth.

Tinatawag din itong “blood moon” dahil sa nagiging reddish-orange ang kulay ng buwan kapag eclipse.

Magsisimula ang penumbral eclipse ng alas-4:47 ng hapon; na susundan ng partial eclipse ng alas-5:44 ng hapon.

Alas-7:18 ng gabi naman ang greatest eclipse habang matatapos ang penumbral eclipse ng 9:49 PM.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?