By

Total deployment ban sa Kuwait, inalis na

Sharing is caring!

Maaari na muling makapagpadala ng mga manggagawang pinoy sa bansang Kuwait makaraang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang ipinatupad na deployment ban.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang desisyon ng Pangulo ay batay sa rekomendasyon ni Special Envoy to Kuwait Abdullah Mama-o.

Agad namang inatasan ng Pangulo si Labor secretary Silvestre Bello III para alisin ang ban sa pagpapadala ng mga pilipinong manggagawa sa Kuwait.

“Upon recommendation of Special Envoy to Kuwait Abdullah Mama-o, President Rodrigo Roa Duterte tonight instructed Secretary Silvestre Bello to totally lift the ban on deployment of Filipino workers to Kuwait,” ani Roque.

Mangangahulugan aniya ito na pati mga domestic helpers ay maaari ng magtrabaho muli sa nabanggit na bansa.

Matatandaang noong Lunes unang inalis ang deployment ban sa mga semi-skilled at skilled workers.

Matatandaang nagkaroon ng lamat sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait dahil sa pagkamatay ng overseas filipino worker na si Jhoana Demafelis na natagpuang nakalagay sa freezer, bukod pa sa mga naitalang kaso ng pang-aabuso at pananakit sa iba pang household workers ng kanilang employers sa Kuwait.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?