24

Apr 25, 2021 @ 16:45
By

Total COVID case sa ‘Pinas kumakatok na sa 1M

Halos isang milyon na ang total na bilang ng COVID-19 case sa bansa nitong Linggo, April 25.

Sa tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa 997,523 ang kabuuang bilang ng COVID-19 case sa Pilipinas.

Ito’y matapos na madagdagan ng 8,162 ang nagpositibo sa COVID-19, naitakda naman ang aktibong kaso sa 77,075.

Samantala, sumampa naman sa 903,665 ang total na gumaling sa COVID-19, kung saan 20,509 ang dagdag sa nakatalo sa new coronavirus.

Habang 16,783 naman ang death toll, 109 ang bagong nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?