32
sherwin-gatchalian
By

Total ban sa ‘endo’ hindi uubra – Gatchalian

Sharing is caring!

Kinatigan ni Senador Sherwin Gatchalian ang pahayag ng Malacanang na hindi maipagbabawal sa lahat ng negosyo ang kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa, kung tawagin ay Endo o end of contract.

Diin ng senador na chairman ng Senate committee on economic affairs, hindi maaring obligahin na gawing regular o permanente ang lahat ng mga manggagawa dahil may negosyo na seasonal o pana-panahon lang ang operasyon.

Inihalimbawa ang tourism business kung saan ang trabaho ay depende sa panahon sa bansa at sa pagdating ng mga turista.

May negosyo namang 24/7, at pang buong taon ang operasyon gaya ng mga fast food chain kaya umano hindi dapat payagan ang kontraktwalisasyon.

Ilang labor groups ang bumabatikos kay Pangulong Duterte dahil hindi pa tinutupad ang ipinangako noong kampanya na wawakasan niya ang Endo.

Hinihintay pa ang ilalabas ng pangulo na executive order kontra Endo.

Sabi pa ni Gatchalian, makatuwiran lang na pag-aralan pang maigi ng Pangulo ang pag iisyu ng executive order kontra Endo dahil binabalanse lang ng pangulo ang kapakanan ng mga manggagawa at ang sitwasyon ng mga negosyante o employers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?