181

Dec 28, 2017 @ 10:46
By

I-total ban na ang paggamit ng paputok – DOH chief

Kung si Health Secretary Francisco Doque ang masusunod nais umano niyang tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng anumang uri ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Pahayag ito ng kalihim matapos maglatag ang mga awtoridad ng firecracker zones o mga lugar kung saan lamang maaring isagawa ang pagpapaputok.

Ayon sa kalihim, kahit ang mga simple kasing paputok ay maari pa ring magdulot ng pinsala at polusyon.
Halimbawa na aniya rito ang fountain at luces na aniyay maari pa ring makapaminsala lalo kung hindi marunong o walang gabay ang gumagamit.

Kaugnay nito ay hinihikayat na lamang ng doh ang mga magulang kasama na rin ang mga pasaway na nakatatanda na maging maingat sa pagpapaputok. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?