13

By

Total ban lifting sa Kuwait, pipirmahan kapag ayos na lahat – Duterte

Sharing is caring!

Nais munang makasigurado ni Pangulong Rodrigo Duterte na maayos nang ganap ang sitwasyon ng mga Filipinong manggagawa sa Kuwait bago pirmahan ang pag-aalis ng total ban sa pagpapadala ng mga manggagawa sa nabanggit na bansa.

Sinabi ng Pangulo na bumalik na ang lumamlam na relasyon ng Pilipinas at Kuwait kaya’t nagpapasalamat siya sa mga Kuwaiti officials dahil pumayag sa mga kondisyon ng gobyerno na titityak sa maayos na pagtrato sa Pinoy workers.

“We’re okay now with Kuwait, we’re okay now. My conditions were met. That they must be guaranteed — before I signed the lifting of the ban. And the Kuwait government has shown the courage also in meeting our challenge. So if these conditions are met, I’ll sign the total… the lifting of the ban,” anang Pangulo.

Ayon pa sa Presidente, ayaw na niyang maulit ang mga karanasang dinanas ng overseas Filipino workers na naging dahilan sa pagkamatay ni Joanna Demafelis.

“I’ve demanded that they be allowed to sleep seven hours guaranteed, no physical abuse, that their cellphones and passports are not confiscated, and they have a dayoff once a week,” dagdag pa ng Pangulo.

Nauna rito inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroon nang partial lifting sa ban sa Kuwait matapos malagdaan ang Memorandum of Understanding na titiyak sa kaayusan at kaligtasan ng OFWs, lalo na ang household workers.

Nakauwi na rin sa bansa ang diplomats na inaresto ng Kuwaiti police dahil sa ginawang pagsaklolo sa distressed OFWs sa bahay ng kanilang employers na naging dahilan para magalit noon ang Kuwaiti government.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?