141
coin-toss
May 17, 2019 @ 12:14
By

Toss coin para sa posisyon! Uupong mayor ng Palawan town, iaasa sa swerte

Toss coin ang magiging basehan para makapili ng bagong alkalde sa Araceli, Palawan.

Ito’y mataos maging tabla ang boto nina incumbent Mayor Noel Beronio at dating Mayor Sue Cudilla na parehong nakakuha ng 3,495 na boto.

Kaya naman para makapili, aasa sa swerte ang dalawa.

Ayon sa Omnibus Election Code, kapag nagtabla sa local elections, papasok ang ‘draw lots’ para malaman kung sino ang kukuha ng pwesto.

Hindi ito ang kauna-unahang toss coin para sa posisyon, noong 2016 ay naging mayor ng Bocaue, Bulacan si Joni Villanueva matapos ang paghahagis ng barya.

Magaganap ang toss coin sa Biyernes, at napagkasunduan na ng dalawa ang nasabing kakaibang pagpili ng mamumuno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?