By

Torre, Antonio nanalawa sa Italy

Sharing is caring!

Nagkasabay uma­ngas sina Grandmasters Eugene Torre at Joey Antonio sa 27th FIDE World Men’s and Wo­men’s 50+ & 65+ Seniors Chess Championships 2017 fifth round sa Acqui Terme City Convention Center sa Piedmont, Italy nitong Sabado.

Ginarote ni third seeded Torre si 54th seeded World Chess Federation (FIDE) Master Peter Hohler ng Switzerland para sa back-to-back wins tapos masorpresa sa third round ni 28th seeded Israeli Boris Balisov.

May 3.5 points ang first Asian GM na si Torre sa 166-player field ng Open-men 65-age group ng 11-round event para makisawsaw sa 16th-39th place. Tatlo ang nasa unahan na 4.5 pointers, kabilang si sixth seeded French GM Vladimir Okhotnik.

Sa Open-men 50 age level, malinis pa ang baraha ni sixth seeded Antonio na kahanay sa 1-2 position si top seeded GM Julio Grand Zuniga ng Pero sa identical 4.5 pts.

Tinapakan ni Antonio si 18th seeded Slovak FIDE Master Pe­vel Certek para sa second straight victory rin makaraang tablahan sa third round ni 20th seeded Indian International Master Devaki Prasad.

Nakabara kay Torre sa round 6 si No. 26 Matthias Kierzek samantalang makikipagbasagan si Antonio kay Zuniga. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?