40

Feb 23, 2021 @ 12:00
By

Torralba nakipagsabayan sa mga NBA player!

Grabeng kompetisyon din ang naranasan ni Joshua Torralba sa USA, kung saan naging trainer siya para sa Rockets G-League’s Rio Grande Vipers Academy.

Sa panayam ng ‘Sportalakan’, sinabi ni Torralba na nasubukan na niyang makaharap sa court ang ilang bigating manlalaro tulad nina Aaron Brooks, Shaun Livingston, Gary Payton Jr at Danuel House.

“There are a lot of guys that I’ve seen play and played with,” saad ni Torralba.

Sa mga nabanggit na manlalaro ni Torralba, angat ang pangalan ni Livingston, na nagwagi ng tatlong kampeonato bilang parte ng Golden State Warriors.

Hindi rin pahuhuli si Danuel House, na rotation para sa Houston Rockets, maging si Gary Payton Jr na anak naman ng NBA Hall of Famer.

Nang matanong kung bakit hindi na lang ituloy ni Torralba na makapaglaro sa NBA G-League, sinabi nito na ibang level na ang kompetisyon sa naturang liga.

“I played with some of the guys, I can keep up pero it’s a different level,” paliwanag ng dating DLSU guard. “That’s always my dream to play in the NBA, but PBA muna.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?