By

Tornadoes babangasan ng Blaze Spikers

Sharing is caring!

Mga laro ngayon (FilOil Flying V Centre)
4:15 pm – Victoria Sports-UST vs. Sta. Lucia
7:00 pm – Foton vs. Petron

Malinis sa apat na laro, kaya nasa kukote ni Foton head coach Moro Branislav na gusto ng Petron na ibagsak sila sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix.

Magtutuos ang defending champion Tornadoes at Blaze Spikers sa main game nga­yon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

“We know they want to give us our first loss, so we have to do everything to stop them. It’s going to be an exciting match. I will surely prepare my team,” ani Serbian mentor Branislav.

Tinapik ng Tornadoes ang serbisyo ng tatlong Eastern European imports na sina Sara Klisura at Katarina Vukamanovic ng Serbia at Dragana Perunicnic ng Montenegro para isanib kina local stars Jaja Santiago, Maika Ortiz, Jen Reyes at EJ Laure.

Resulta – sinagasaan ang apat na nakalaban para solohin ang tuktok ng standings ng torneo na suportado ng Mikasa, Grand Sport, Senoh, Mueller, Rebis­co, Island Rose, Cloudfone at UCPB Gen.

Dalawang beses kinalos ng Tornadoes ang Blaze Spikers sa finals ng huling dalawang taon pero buo ang loob ni Petron mentor Shaq Delos Santos na kaya nilang makuha ang panalo sa Foton. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?