48
abante-tnt-vismin-tori-garcia
By

Tori Garcia, umaarangkada ang showbiz career

Sharing is caring!

Patuloy sa pag-arangkada ang career ni Tori Garcia na tinaguriang Singapore Sweetheart dahil doon siya nakabase noon. Bukod kasi sa sa paglabas sa TV at pelikula, pati sa mga mall shows ay humahataw na rin ngayon si Tori.

Last July 22 ay nag-perform si Tori sa Ali Mall para sa The Colors of July mall show kasama sina Maricar Aragon at Josh Yape, para mag-promote na rin ng sarili nilang mga kanta.

Hindi lang simpleng mall show ang makikita rito, dahil mamimigay din si Tori ng libreng T-shirt para sa mga bata. Abokasiya na kasi ng singer/actress ang mapasaya ng mga bata kahit sa munting regalo lang. Nasimulan ni Tori ang pamimigay ng T-shirts nang binisita niya ang mga bata sa Word of Life Christian Community sa San del Monte, Bulacan.

Kuwento sa amin ni Tori, “Sa ngayon po ay nagma-mall tour po ako, I’m doing charity works and giving T-shirts that I designed to children. I give them during mall tours and I visit churches po.”

Nabanggit din ni Tori na matagal na raw niyang gustong gawin ito, kaya nang nagkaroon siya ng chance thru her mall shows, sinamantala na niya ang pagkakataon.

“Matagal ko na po kasi gustong gawin ito, I always wanted to and now that I have a chance to, also because of my mall tour, kaya isinabay ko na rin po.”

Makakasama ni Tori sa mall tour sina Josh Yape, Ara Altamira, Jennelyn Gagajena, at Lester Paul. Hosted by VR Relosa and Bruno Mar. Ito ay production ng TJC Entertainment Productions at R Multimedia Events Solutions.

Sa ngayon ay abala si Tori sa bago niyang pelikulang My Dad! I Hate Drugs. Kasalukuyang ginagawa na nila ang naturang advocacy film at makakasama ni Tori sa pelikula sina Dinky Doo, Claire Ruiz, Alysse Montenegro, PJ Abellana, Dianne Medina, Jenny Fajardo at marami pang iba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?