27

By

Tori Garcia laking pasalamat sa tiwala ni Mike Magat

Sharing is caring!

Ipinahayag ni Tori Garcia na sobra siyang nagpapasalamat kay Mike Magat sa pagkakataong ibinigay sa kanya para makasali sa short film na ’10 Seconds’.

Ang naturang short film ay entry sa International Film Festival Manhattan New York na magaganap sa October 17 hanggang 22.

Nabanggit ni Tori na ukol ito sa terrorism, at si Mike ang bida at direktor nito. Gumaganap naman ang aktres bilang kontrabida rito na dating kasamahan ni Mike.

Ayon pa sa aktres na talent ni katotong Throy Catan, dream talaga niyang sumabak sa action movie na nagkaroon ng katuparan sa Ten Seconds.

“Of course I’m grateful kay direk Mike, it has been my dream to do action and direk Mike granted my wish,” masayang saad niya.

Ano ang na-feel ni Tori nang totoong natamaan siya ni Direk Mike sa kanilang fight scene?

“I didn’t feel it until after we finished the scene pero the staff told me na may cut ako sa face, I smiled kasi I thought that would been the fight scene is legit, hahaha. I wasn’t even angry, I thought it was cool,” nakangiting pakli ni Tori.

Dagdag pa niya, “Our fight scene was very exciting when we were doing I had so much adrenaline kasi we rehearsed a lot. I wasn’t nervous, pero I was concerned for the extras kasi nasa bus kami, its tight and the extras were around us. I was worried na baka matamaan sila.

“But I think we performed the fight scene beautifully, nadala lang kami ni direk in the moment we both really accidentally hit each other. But siguro worth it, kasi ang ganda ng outcome ng fight scene.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?