364

Sep 17, 2018 @ 19:25
By

Tori Garcia excited nang makatrabaho si Mike Magat

Todo na ang paghahanda ng newbie actress na si Tori Garcia para sa dalawang projects na nakatakda niyang gawin kasama ang actor/direktor na si Mike Magat.

Kabilang dito ang short film na pinamagatang ‘10 Seconds’ at ang ‘Turista’, ang international full-length movie ni Mike na pagbibidahan at pinamamahalaan niya. Masasabing ito ang biggest movie ni Mike dahil ang shooting nito ay sa iba’t ibang bansa pa tulad ng USA, South Korea, Japan, pati sa Hong Kong, at iba pa.

Inusisa namin si Tori ukol sa mga project na ito.

Esplika ng aktres, “Iyong 10 Seconds is a short film about terrorism. The director is Mike Magat and he is also the leading man.

“I play a terrorist in this film, yes I’m the bad guy. And I will have a fight scene with direk Mike. He has yet to cast the other characters so I don’t know yet kung sino ang makakasama namin sa movie.”

Ano na-feel niya nang sinabi ni Direk Mike na kasama siya sa dalawang projects na yun?

“At first I was so shocked, cause I did not expect him to include me in anything. We met in Music Box during Tito Roldan’s (Castro) birthday. So I don’t know him.

“After performing he called out to me. Then he asked if I would be willing to do a project. So I’m very shocked po na it wasn’t just a project lang, na two projects pala.

“I was even more surprised and excited kasi this two films are action ones. It’s been my dream to do action because I am trained in martial arts since i was a child,” aniya.

Pahayag pa ni Tori, “For Turista, I play the leading lady. The childhood friend of the character played by direk Mike, who is the leading man. And I am a drug pusher/gangster din po rito.

“He told me that this projects are meant for me to play. Para sa akin talaga raw yung roles. He was just looking for me.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?