22

Feb 17, 2021 @ 21:31
By

Topshop, Dorothy, Burton magsasara na

Malungkot na balita para sa mga fashionista.

Inanunsyo ng mga fashion brand na Topshop/Topman, Dorothy Perkins at Burton na isasara na nila ang lahat ng kanilang store sa Pilipinas simula Marso hanggang Abril.

Ayon franchise holder nito na Robinsons Retail Holdings (RRH), nagdeklara ang brand principal na Arcadia Group ng bankruptcy sa US.

Dahil dito, ibinenta nila ang mga fashion brand sa mga online company na ASOS at Boohoo kaya naman nakansela lahat ng prangkisa sa lahat ng store nito.

Ani RRH for Corporate Planning Vice President Gina Roa-Dipaling sa panayam sa ANC, hindi lamang mga store sa Pilipinas ang isasara kundi lahat ng brands’ stores sa mundo.

Ibinenta ang Topshop/Topman brands sa online retailer na ASOS habang ang Dorothy Perkins at Burton ay napunta sa isa pang online retailer na Boohoo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?