15

Jan 27, 2021 @ 19:02

TOPS ‘Usapang Sports on Air’: San Diego, Neri, iba pa may tsika

Usapang chess, korfball at pencak silat ang sentro ng talakayan sa “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom, Huwebes.

Eeksena sa 10am sports forum ang Palawan Queen’s Gambit, first all-female professional chess team sa bansa, sa pangunguna ni top player WIM Marie Antoinette San Diego at head coach Susan Grace Neri.

Ibabahagi ng mga ito ang pagsali ng koponan sa inaugural Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) All-Filipino Conference na sinimulan nitong Enero 16.

Sa pamumuno ni sports patron Bernardo Jorge Mitra, isa ang Palawan sa 24 teams na bahagi sa first play-for-pay chess league sa bansa.

Samantala, bibida rin sa public service program si pencak silat champion-turned-beauty queen Cherry Mae Regalado at Philippine Korfball Federation president Rod Sambuang.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers, members at kasamahan sa sports community na makiisa sa weekly session handog ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?