4

By

Topex, Lyceum lamyerda muna

Sharing is caring!

May isang linggong pahinga ang Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates bago muling sumabak sa court at panatilihing malinis kanilang marka sa 12 salang.

Sa panayam kay Pirates coach Topex Robinson, sinabi nito na maganda para sa kanilang koponan ang isang linggong pahinga dahil ilan sa kanyang manlalaro ay may sakit at prelim week ngayon sa eskwelahan.

“Masyado na kaming nagkakasawaan sa mukha ng isa’t isa, so it’s also a time for us to break away from this season and focus in some other things,” saad ni Robinson.

Sinabi din nito na magpapahinga muna talaga ang buong tropa at sa susunod na linggo ay muli silang sasabak sa pagsasanay at paghahandaan ang sunod nilang laban.

“Right now we’re gonna give them a break. More or less we’re gonna give this week off, but we will sure practice obviously next week to prepare,” dagdag nito.

Sunod na makakaharap ng Lyceum ang host school na Perpetual sa susunod na Biyernes, Setyembre 21.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?