29

By ,

Topex hindi pa ligtas sa parusa

Sharing is caring!

Posible pa ring patawan ng parusa si Lyceum of the Philippines University head coach Topex Robinson dahil sa pagkuwestiyon nito sa pasya ng liga na suspendihin si CJ Perez sa Game 1 ng kanilang finals kontra San Beda noong Martes sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Halatang hindi nagustuhan ni Robinson ang parusang ibinigay sa kanyang dating MVP na nasuspende dahil sa kabiguan nitong ipaalam sa NCAA ManCom ang kanyang PBA draft application.

Makakasama pa rin ni Robinson ang kanyang tropa sa Game 2 ng Finals sa parehong lugar upang magkaroon ng pagkakataon na maipwersa sa isang decider ang serye na nakatakda sa Nobyembre 15.

Pero hindi pa rin ito ligtas sa posibleng parusa na ibigay sa kanya dahil ipagpapatuloy aniya ng kumite ang pag-usisa sa kaso matapos ang finals ng season.

“The ManCom has decided to give the LPU coach (Robinson) enough time to finish the remaining finals games,” sabi ni NCAA ManCom chairman Frank Gusi sa isang pahayag matapos ang emergency meeting nitong Miyerkoles.

“Then after which, we are putting continuance to the proceedings in the spirit of sportsmanship and with the best interest of the league.”

Maglalabas din aniya ng pasya ang liga para kay College of Saint Benilde assistant coach Charles Tiu, matapos nitong magkomento sa social media at tawagin na ‘joke’ ang pasya ng liga na suspendihin si Perez.

Noong Game 1 ng Finals ay naramdaman ng Lyceum ang pagkawala ni Perez na uma-average ng 18.7 points per game at 8.4 rebounds.

Sa Lunes, sa Game 2 ng Finals ay makakabalik na si Perez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?