18

By

‘Topak’ ni Serena sa US Open Finals, halos P1M ang multa

Sharing is caring!

Pinagmulta ng $17,000 o P916,903 si tennis superstar Serena Williams ng US Tennis Association matapos nitong magwala sa US Open finals noong Sabado (Linggo sa Pilipinas) nang matalo kontra Naomi Osaka ng Japan.

Pinagmumulta si Williams dahil sa paglabag nito sa rules ng laro gaya ng coaching at verbal abuse matapos nitong akusahan ang umpire na si Carlos Ramos bilang magnanakaw.

Iginiit ni Williams na hindi niya nilabag ang coaching rules kahit na inamin na mismo ni Patrick Mouratoglou na nagco-coach nang ginalaw niya ang kanyang kamay.

Ang coaching ay may $4,000 na multa habang $3,000 naman ang multa sa paghampas niya ng kanyang raketa matapos mag-serve at $10,000 naman ang verbal abuse na paglabag sa code ng laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?