Topacio nagsinungaling sa resignation ni Teo

Sharing is caring!

Binakbakan ng ilang netizen si Atty. Ferdinand Topacio kaugnay ng pababago-bago nitong pahayag hinggil sa pagbitiw ni Sec. Wanda Tulfo-Teo bilang kalihim ng Department of Tourism.

Lumalabas umanong nagsinungaling si Topacio matapos nitong ihayag sa isang panayam sa dzMM na ‘walang demand’ si Duterte na mag-resign si Teo sa DOT.

“Nakusap ko po si Secretary Wanda kaninang 5:30 a.m. at bagama’t nag-usap ay wala namang demand mula sa Pangulo na siya ay mag-resign,” pahayag ni Topacio sa panayam ng dzMM.

Ginawa ni Topacio ang pahayag kasunod nang ulat ng Philippine Star na pinagbitiw na ni Duterte si Teo dahil ng kontrobersiya sa DOT tungkol sa P60 milyon advertisement na inilagak sa programa ng kapatid nito sa PTV 4.

Sa isang panayam din sa telebisyon, nilinaw ni Topacio na hindi sinibak ni Duterte si Teo matapos ang cabinet meeting sa Malakanyang noong Lunes ng gabi.

Pero matapos ang ilang oras, naglabas ng statement si Topacio kung saan inihayag nitong nagbitiw na nga si Teo bilang Tourisim Secretary.

Kinumpirma din ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa tanggapan na ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang resignation letter ni Teo.

Nairita naman ang ilang netizen sa pagsisinungaling umano ni Topacio kaugnay ng pagbibitiw ni Teo sa DOT.

“Magulo si Atty. Topacio, pabago-bago ang kanyang statement. Nagmukha siyang sinungaling,” komento ni Darwin Santos, private employee.

“Nililito niya ang publiko, kahit kelan magulo talaga si Atty. Topacio,” sabi naman ni Jennlyn Naling, isang cashier.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?