128

Nov 29, 2019 @ 19:12
By

Top PH figure skater Perticheto nanguna sa short program

Maganda ang naging panimula ni Philippine figure skater Alisson Krystle Perticheto nang ungusan ang mga katunggali sa women’s figure skating event short program sa 2019 Southeast Asian Games sa SM Megamall Skating Rink.

Umiskor ng 53.65 points si Perticheto, na tatlong points ang lamang sa pambato ng Singapore na si Chloe Ing, na nakakuha ng 50.67 points para pumangalawa sa event.

Si Perticheto ay ang bronze medalist sa nagdaang 2017 SEA Games at malaki ang tsansa na maiuwi ang top prize ngayong edisyon ng biennial meet.

Samantala, pumangatlo naman si Savika Refa Zahira ng Indonesia (32.62 pts) habang tumapos sa ikaapat na pwesto si Thailander Thita Lamsam garnering (27.30 pts).

Tumapos naman ang bagito sa SEA Games na si PH-bet Cirinia Gillett sa ikasiyam na rank sa 20.93 points para sa parehong event.

Sa Linggo gaganapin

The free skate program is on Sunday at the same venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?