56

Oct 3, 2019 @ 22:45
By

Top oil producer sa Russia hinikayat ni Duterte na mamuhunan sa PH

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang top oil producer sa Russia na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.

Ito’y matapos ang ginawang pakikipagpulong ng Pangulo kay Igor Sechin, chief executive officer ng Rosneft Oil, sa Four Seasons Hotel sa Moscow nitong Huwebes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tiniyak ng Pangulo sa mga opisyal ng Rosneft Oil na ligtas ang kanilang pamumuhunan sa Pilipinas at hindi nito kukunsintihin ang anumang uri ng katiwalian habang siya ang nakaupo sa puwesto.

“The President invited Rosneft, the leader in the Russian oil sector, to invest in the Philippines, particularly with regard to oil and gas development, and assured its officials, which include Zeljko Runje, Vice President for Offshore Projects of Rosneft; Didier Casimiro, Vice President for Refining, Petrochemical, Commerce and Logistics of Rosneft; and Boris Kovalchuk, Chief Executive Officer of Inter RAO, that their investments are safe in the Philippines and that he would not tolerate corruption in the bureaucracy,” ani Panelo.

Tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga nakausap na negosyante na anumang kasunduan sa gagawing paglalagak ng puhunan sa Pilipinas ay dadaan sa tamang proseso para matiyak na hindi ito maging daan ng korapsyon o iregularidad.

Kabilang sa mga opisyal na nakasama ni Pangulong Duterte sa pakikipagpulong sa mga oil industry official sa Russia ay sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Energy Secretary Alfonso Cusi, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Sen. Bong Go at Philippine Ambassador to the Russian Federation Carlos Sorreta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?