34
arrested-jail
By

Top 8 ‘high value target’ ng Rizal, huli sa buy-bust

Sharing is caring!

Nahuli na ang tinaguriang Top 8 high value target na pusher ng Rizal Province matapos ang ikinasang drug buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Tanay, Rizal.

Batay sa report na ibinigay ni Rizal Provincial Director S/Supt Lou Frias Evangelista kay Calabarzon Regional Director Police Chief Supt. Edward E Carranza, nahuli na si Ma. Nelda Pranada y Florendo, mas kilala bilang “chek-chek”, 34-anyos, walang trabaho at tanging pagtutulak ng droga lang ang ikinabubuhay at residente ng 101 Delakarsada St. Brgy. Daraitan, Tanay, Rizal.

Batay sa report, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch/Provincial Drug Enforcement Unit Rizal sa ilalim ng pamamahala ni PSupt. Christopher Dumdum Dela Peña, Chief, kasama ang Municipal Drug Enforcement Unit (MDET) ng Tanay Municipal Police station bandang 8:00 kamakalawa ng gabi sa bahay ng suspek sa Barangay Daraitan.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer na kung saan ay positibong nakipagtransaksyon sa suspek at sa loob nga bahay nito naganap ang bilihan ng droga at bayaran.

Nakumpiska mula sa suspek ang 15 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at P500 peso bill bilang buy-bust money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa Rizal detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?