144

Dec 16, 2017 @ 16:54
By

Top 6 most wanted sa kasong rape, arestado

Matapos ang halos walong buwang pagtatago ay napasakamay na rin sa wakas ng mga otoridad ang isang lalaking umano ay nasa Top 6 most wanted criminal sa kasong panghahalay ng isang menor de edad sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Naaresto ang suspek na si Juanito Santos, 56-anyos, security guard, nang bumalik ito sa dati niyang tirahan sa Ramilon Street, Barangay 150, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Inaresto si Santos dahil sa kasong panghahalay ng isang 16-anyos na dalagitang itinago sa pangalang ‘Essy’ na dinadala ngayon ang bunga ng panghahalay ng suspek sa kanya na nasa walong buwan na rin ang tiyan.

Base umano sa salaysay ng biktima, dalawang beses umano siyang pinagsamantalahan ng suspek ngunit sa kabila noon ay mariin pa ring itinatanggi ni Santos ang mga paratang sa kanya.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Caloocan City detention cell ang suspek at nahaharap sa kasong rape in relation to RA 7610 o special protection againts child in abuse, exploitation and discrimination act. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?