15

Top 5 game-winner sa Week 4 ng NBA

Sharing is caring!

Napuno ng clutch moments ang naging NBA action nitong linggo.

Kaya naman aming kinulekta ang top 5 best game-winning moments kung saan nagbida ang ilang mga manlalaro na nanguna para masikwat ng kanilang mga koponan ang panalo

5.) Tinuruan ng leksyon ni Chicago Bulls forward Jabari Parker ang Cleveland Cavaliers rookie na si Collin Sexton upang iselyo ang 99-98 win.

4.) Naging mahalaga ang huling 2-pointer ni Caris LeVert para sa Brooklyn Nets, ibinuslo ang floater sa huling mga segundo para manaig, 112-110.

3.) Star player na ang dating ni Victor Oladipo para sa Indiana Pacers, humarurot ng game-winning shot kontra sa Boston Celtics, 102-101.

2.) Nabiktimang muli ang Cleveland Cavaliers nang maikonekta ni Orlado Magic sharpshooter Evan Fournier ang tres, 102-100.

1.) Pinadapa ni Lou Williams ng Los Angeles Clippers ang Eastern powerhouse na Milwaukee Bucks, 128-126 OT win.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?