280

May 31, 2020 @ 20:56
By

Top 10 sexy pics: Maureen Montagne maalindog na reyna

Dapat abangan sa susunod na Binibining Pilipinas ang super sexy at pretty na si Maureen Montagne.

Bago sumabak sa mga beauty pageant sa ‘Pinas ay madalas na itong lumaban sa America, na nasungkit ang Miss Arizona USA 2015 at pinambato ng nasabing US state sa Miss USA 2015.

Kaya naman hindi kataka-taka na humakot din dito sa bansa ang Fil-Am beauty, na naging first runner-up sa 2019 Miss Eco International.

Naging hot topic nga ang pangalan nito matapos tanggihan ang korona dahil inalis ng mga organizer ang trono kay Suheyn Cipriani ng Peru matapos itong mabuntis.

Sey ng 22-year old beauty queen, nais niyang mag-focus ngayon sa Binibining Pilipinas kaya tinanggihan ang pagiging Miss Eco International.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?