16
handcuffed
By

Top 10 most wanted sa Tondo arestado

Sharing is caring!

Nadakip ang Top 10 most wanted person ng Tondo Police Station na si Roseann Pascual y Cruz, alyas Mona.

Nadakma ang suspek ng station intelligence section sa pangunguna ni Police Senior Inspector Aurelio Villanueva sa Saint Mary St., Tondo kaninang alas-12:00 ng tanghali.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Tita Bughao Alisuag ng RTC Branch 1, ng Manila noong Hunyo 7, 2016.

Kasalukuyan nang nakapiit sa Manila City Jail ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?