33

By

Top 10 most wanted manyak sa Tanay, timbog

Sharing is caring!

Nalambat ng Rizal Provincial Police ang kinikilalang Top 10 most wanted person ng Tanay matapos ang ikinasang ‘Manhunt Charlie’ para maaresto ang suspek sa kasong acts of lasciviousness nitong umaga sa Tanay, Rizal.

Kinilala ni Rizal Provincial Director S/Supt. Lou Frias Evangelista ang suspek na si Ricky Boy Balani y Ecle, 23-anyos, at residente ng Sitio Mayagay, Barangay Cuyambay, Tanay, Rizal.

Batay sa report, inaresto ang suspek bandang-11 nang umaga matapos ang ikinasang ‘Manhunt Charlie’ ng mga tauhan ng Investigation/Intelligence ng Tanay Municipal Police station kasama ang Regional Intelligence Unit 4A sa pangunguna ni SPO3 Ohari P. Mateo para mahuli si Balani.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Shiela Marie A Ignacio, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 80 Morong, Rizal naganap ang insidente noong October 25, 2015, sa ilalim ng criminal case no. 15- 12885 na may kasong acts of lasciviousness at pinayagang makapag-bail ng P180,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Tanay Municipal Police Station habang hinihintay ang kanyang pagdinig sa korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?