22

By

Top 10 facts ni Marvel legend Stan Lee

Sharing is caring!

Namayapa na ang comic book genius ng Marvel na si Stan Lee, ngunit ang kanyang mga gawa ay mananatili pa rin sa kamalayan ng madla.

At bilang papugay sa nag-iisang Stan Lee, ito ang listahan ng mga bagay na dapat niyong malaman tungkol sa isa sa may pinakamalaking ambag sa industriya ng comics at pelikula.

1. Nagsulat siya ng obituary bilang trabaho

Bago maging sikat na comic book writer, isa sa mga pinasok ni Lee ay ang pagsulat ng mga antemortem obituary para sa mga celebrity , ngunit inalisan ang trabaho dahil ‘depressing’ daw ito.

2. Hindi niya tunay na pangalan ang Stan Lee.

Stan Lee ang tumatak sa madla, ngunit ito ay pen name lamang ni Stanley Martin Lieber na ipinanganak sa New York City noong December 28, 1992.

3. Asawa niya ang naggugupit sa kanyang buhok

Kilala ang malasponghadong buhok ni Stan Lee sa Hollywood, at dahil pala ito sa kanyang asawa na si Joan Lee.

“My whole adult life, I’ve never been to a barber, Joanie always cuts my hair,” ayon kay Lee.

4. Captain America ang nagpasikat sa kanya

Isang linggo pa lang sa Timely Comics, na kinalaunan ay nakilala bilang Marvel Comics, kanya nang nailimbag ang ngayo’y sikat na Captain America na may titulong ‘Captain America Foils the Traitor’s Revenge’.

5. Mali ang pagkakagawa kay ‘The Hulk’

Dapat aniya ay gray ang kulay ng sikat na Avengers character na si ‘The Hulk‘, ngunit dahil mahirap i-print ay ginawa na lang itong berde.

6. Sinira ng kanyang asawa ang pinakaboritong typewriter niya.

Matapos umano nang isang pagtatalo, nauwi sa pagkawasak ng kanyang pinakainiingat-ingatang typewriter na kanyang ginamit para isulat ang Spider-Man at The Fantastic Four.

7. Natusta ang lahat ng kanyang interview, lecture

Nasunog ang pinaglalagakan ni Stan Lee ng kanyang mga videotape ng interbyu at lecture, at ayon sa awtoridad ay sinadya ang pagkasunog dito ngunit walang nakasuhan.

8. Excelsior!

‘Yan ang naging personal motto ni Stan Lee na ang meaning ay ‘Ever forward’. Kanya ring isinusulat ito sa mga autograph niya.

9. Obligado siyang mag-cameo sa mga Marvel movie.

Kasama sa kanyang kontrata ang lumabas sa mga Marvel movie, at kahit pa halos lahat ay kinailangan niyang mag-shoot, bayad naman siya para dito.

10. At ang kanyang pinakapaboritong cameo ay sa Fantastic Four.

Nagsimula si Stan Lee sa Spider-Man noong 2002, ngunit ang kanyang pinakapaborito ay ang kanyang appearance sa Fantastic Four: Rise of the Silver Surfer (2007) kung saan magwe-wedding crash sana siya at si writer Jack Kirby sa kasal nina Mr. Fantastic at Invisible Woman. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?