8

Nov 8, 2020 @ 10:03
By

Tonyo lumapag sa Marinduque; Signal No. 1 sa NCR, Calabarzon, 13 pang lugar

Lumapag sa kalupaan ng Torrijos, Marinduque ang Tropical Depression Tonyo, alas-4:30 ng madaling-araw ngayong Linggo.

Ayon pa sa 8 a.m. bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), Nobyembre 8, huling namataan si Tonyo sa 70 kilometro timog-kanluran ng Alabat, Quezon.

Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa mata nito at pagbugsong hanggang 60 kph.

Samantala, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa:

– Metro Manila

– Camarines Norte

– kanlurang bahagi ng Camarines Sur (Cabusao, Libmanan, Sipocot, Lupi, Ragay, Del Gallego, Pamplona, Pasacao)

– Quezon kabilang ang Polillo Islands

– Cavite

– Laguna

– Rizal

– Batangas

– Bataan

– Bulacan

– Pampanga

– timog na bahagi ng Nueva Ecija (General Tinio, Santa Rosa, Zaragoza, Gabaldon, Laur, Palayan City, Cabanatuan City, Aliaga, Quezon, Licab, Peñaranda, Gapan City, San Leonardo, Jaen, San Isidro, Cabiao, San Antonio)

– timog na bahagi ng Tarlac (Victoria, Pura, Gerona, Santa Ignacia, Mayantoc, La Paz, Concepcion, Tarlac City, San Jose, Bamban, Capas)

– timog na bahagi ng Aurora (Dingalan)

– gitna at timog na mga bahagi ng Zambales (Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Marcelino, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City)

– Marinduque

– hilagang bahagi ng Romblon (Romblon, San Andres, Calatrava, San Agustin, Corcuera, Banton, Concepcion)

– hilaga at gitnang mga bahagi ng Oriental Mindoro (Bongabong, Gloria, Pinamalayan, Socorro, Pola, Naujan, Victoria, Calapan City, Baco, San Teodoro, Puerto Galera)

– hilaga at gitnang mga bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Paluan, Abra de Ilog) kabilang ang Lubang Island

Posibleng makaranas ang mga naturang lugar ng hangin na mula 30 hanggang 60 kph o pahintu-hintong pag-ulan parehong sa loob ng 36 oras.

Inaasahang aalis si Tonyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Lunes ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?