26

By

Tony Labrusca walang paki sa tatay na si Boom

Sharing is caring!

Inamin ng Kapamilya star na si Tony Labrusca na hindi niya hinanap ang biological father niyang si Boom Labrusca habang siya ay lumalaki. Ito ang sinabi niya sa interview kung saan nakasama niya ang kanyang inang si Angel Jones sa Magandang Buhay.

“Ang stepfather ko po kasi dumating sa buhay ko, so hindi naman po ako nagkulang sa pagmamahal nila. Sapat na po iyon sa akin. Naka-focused lang ako sa family na meron ako – I think that’s where you can grow. Hindi ko masyadong hinanap ang biological dad ko,” pagbubunyag niya.

“Ang love na ‘yun, ibig sabihin sobra nang buo kaya wala ka nang hinanap,” sagot naman sa kanya ni momshie Karla, na tila naka-relate dahil naging single mom din siya at mag-isang itinaguyod ang mga anak.

Hindi rin mapigilang mapaluha ng mga manonood sa mensahe ni Tony para kay Angel dahil damang-dama ang pagmamahal at paghanga niya sa ina. Aniya, “Thank you for raising me with the best of your ability. Ang natutunan ko sa’yo is sobrang importante na alam ko ang self-worth ko. I’m so happy that while I’ve learned to love myself, you’ve loved me unconditionally,” sabay yakap sa ina.

Kwento rin ng ina ni Tony, noong una ay nahirapan ang kanyang anak na makalimutan ang ama dahil bigla na lang itong nawala. Pero bilang ina, responsibilidad daw niyang tulungan si Tony na magpatuloy sa buhay imbes na balikan ang nakaraan.

Pahayag naman ni Angel, hindi siya perpekto pero ang hangarin niya ay bigyan ng pag-asa ang mga single mom na kaya rin nilang magkaroon ng maayos na pakikitungo sa kanilang anak. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?