65

By

Tony Labrusca pinagbawalang mag-social media

Sharing is caring!

Nagbigay na ng kanyang pahayag ang ama ng kontrobersyal na aktor na si Tony Labrusca tungkol sa kinasangkutan nitong gulo sa isang immigration official ng NAIA.

Ayon kay Boom Labrusca, hindi raw siya nagkulang sa pagbigay ng pangaral kay Tony kung paano ito makikisama lalo na sa pinasok nitong trabaho sa showbiz.

Malawak ang experience ni Boom sa showbiz dahil nagsimula ito noon sa That’s Entertainment in 1986 hanggang sa mapasama bilang Star Circle member in 1996 gamit ang screen name na Miguel dela Rosa.

“Sabi ko sa kanya, ganon talaga ang buhay. Nabatikos ka ngayon pero ang sabi ko sa kanya para maintindihan niya nang husto, hindi naman ganon kalaki ‘yung kasalanang nagawa niya para, ako man nalungkot, para malungkot ka rin,” sey ni Boom.

Sana raw ay may natutunan ang anak niya sa mga nangyari rito. Pinapaiwas daw niya si Tony muna sa social media dahil aware siyang maraming nang bashers ito.

“Sabi ko sa kanya, ‘Alam ko naman na kahit papano may natutunan kang lesson dito di ba?’ Siguro kasi ‘yung pag-tweet din niya.

“So sabi ko paminsan medyo take a step back bago ka may gawing hakbang. Kasi nakatingin lahat ng tao sa’yo ngayon,” diin pa niya.

Isa raw sa gusto niyang matutunan ni Tony sa pinasok niyang trabaho ay ang pagiging humble.

“Sabi ko sa kanya, mali ka man o tama, dapat lagi ka pa ring magpakumbaba.

“Actually siguro mga ilang araw na kaming magkasama, nagka-kape lang kaming dalawa. Siyempre bilang tatay niya sinuportahan ko siya.

“Masakit eh… kung anu-ano ‘yung nababasa mo, masasaktan ka bilang ama,” pagtapos pa ni Boom Labrusca.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?