265

Jan 5, 2019 @ 10:37

Tony Labrusca nag-sorry sa naangasang Immigration officer

Nagsalita na ang aktor na si Tony Labrusca kaugnay ng kumalat na alitan nito sa isang Immigration officer matapos kwestiyonin ang visa.

Sa Twitter account ng aktor (@tonythesharky) inamin nitong na-frustrate siya matapos hindi mapagbigyan sa Balikbayan stamp.

“I was unaware of the policy that because I was not with my mother, I did not qualify for a Balikbayan stamp,” he said.

30 araw lang ang ibinigay kay Labrusca para manatili sa Pilipinas dahil hindi ito qualified para sa Balikbayan stamp dahil hindi nito kasama ang inang Pinay.

Gayunpaman dumepensa si Labrusca sa kumalat na ipinagmayabang umano niya na siya’y celebrity at hindi rin nagsabi ng stupid o idiot sa Immigration officer.

“It was very upsetting for me. And I’m sorry that somehow, I took my frustrations out on the officer. But never did I ever call anyone stupid, nor an idiot much less brag about being a celebirty. I know for a fact that the officer is merely doing her job. My biggest mistake perhaps was letting my emotion get the better of me and again, I’m sorry,” ayon pa sa pahayag. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?