23

Apr 21, 2021 @ 21:35
By

Toni napahalakhak sa 3M subscriber sa YouTube

Inamin ni Toni Gonzaga na na-boring siya sa una niyang vlog sa YouTube dahil hindi raw niya keri ang ginagawa ng sister niyang si Alex na masaya.

“My first vlog entry was “Why It Pays To Wait”. The first time I watched it, I found it boring. Hahaha.. Di ko kaya ‘yung ginagawa ni Alex na masaya! I wasn’t sure about what I was doing then but I was at peace about one thing, if my story can speak to someone’s heart then it served its purpose. Yun na lang,” sey ni Toni sa Instagram post sabay anunsyo na mayroon na siyang tatlong milyong subscriber sa YT.

“36 videos later.. We are now celebrating with 3million of you and more who have subscribed to our channel. Maraming salamat for sharing this journey with me of learning, growing and hopefully evolving to help us all become the best versions of ourselves. Maraming salamat netizens.”

Nagsimula sa pagba-vlog si Toni noong January 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?