38

Jan 19, 2021 @ 20:13
By

Toni Gonzaga: May bago ng tito si Seve!

Masayang tinanggap ni Kapamilya star Toni Gonzaga si Mikee Morada, mister ng kanyang kapatid na si Alex, sa pamilyang Gonzaga.

Sa isang Instagram post, binati ni Toni sina Alex at Mikee at ibinahagi ang ilang litrato nila sa ginanap na kasal.


“Congratulations Mikee and Cat! Seve has a new tito! Yey! Welcome to our family,” saad niya sa caption ng kanyang post.

Tumugon naman dito si Alex.

“Love you our ring bearer!!” aniya.

Nito lamang Linggo, Enero 17, nang ibunyag ni Alex sa kanyang YouTube channel na ikinasal na sila ni Mikee noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ginanap ang kasal sa bahay ng mga Gonzaga sa Taytay, Rizal.

Pribado ang naging kasal ng dalawa.

“We wanted to celebrate together as a family muna. Alam namin na may pandemic. We just wanted to keep it to ourselves for a little while to celebrate,” aniya sa vlog.

Sa kabila nito, sinabi ng dalawa na babawi sila sa susunod na taon at ikakasa ang “bigger wedding.”

Kasalukuyang nasa 7.2 milyon na ang bilang ng mga nanood ng naturang vlog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?