63

Jun 23, 2022 @ 21:26
By

Toni Gonzaga kakanta ng national anthem sa BBM inauguration?

Napaulat na kinukuha si Toni Gonzaga para umawit ng national anthem sa gaganaping panunumpa bilang bagong Pangulo ng bansa ni Ferdinand Marcos Jr., sa National Museum sa June 30.

Ayon sa report ng ABS-CBN, wala pang kumpirmasyon tungkol dito ang singer.

Ayaw din umanong manguna ng mister ni Toni na si Paul Soriano kaugnay sa mga detalye ng inauguration ni Marcos Jr., na dapat manggaling sa Presidential Communications Operations Office.

Samantala, tinatrabaho rin umano ang libreng concert para sa publiko matapos ang inagurasyon.

Nauna nang nanumpa si Sara Duterte bilang bagong Bise Presidente sa inauguration ceremony na ginanap sa Davao City noong June 19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?