534

Jan 5, 2022 @ 13:15
By

Toni Fowler namudmod P100K sa kasambahay

Tinuturing na rin ng YouTube vlogger na si Toni Fowler na bahagi ng pamilya ang mga kasambahay niya.

Dahil dito, sinurpresa ni Toni ang kaniyang dalawang kasambahay ng tumataginting na P100,000 regalo.

Sa vlog na ibinahagi ni Toni kamakailan, ipinakilala nila ang kanilang kasamabahay na sina Mama Rose at Ate Anne, na kapwa tiga-Bicol.

“For the first time po, si Mommy Oni ay nagkaroon po ng kasambahay dahil kailangan ko na po talaga ng tulong,” ani Toni.

Ayon pa kay Toni, dahil sa pandemic ay hindi nakauwi ng Bicol ang dalawa kaya kasama nila ang itong magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

At dahil dito, pinasaya ni Toni ang dalawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng P100,000 na cash gift.

“Alam kong nami-miss niyo ang pamilya niyo, Mama Rose at saka Ate Anne. At ngayong bagong taon, meron akong maliit na regalo para sa inyo. Yes, dahil diyan meron kayong 100 thousand pesos!” saad ni Toni habang inaabot ang pera.

Hindi naiwasang mapaiyak ng dalawa dahil mayroon na umanong pampagawa ang mga ito ng kanilang bangka at bahay sa kanilang probinsya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?